Paano malalaman kung seryoso ang Boyfriend mo sayo?

Title: PANU NGA B?MALALAMANG MHAL KA NG BF MU.
How Will You Know?
Pano mo malalaman na love ka
ng boyfriend mo?!.. hmmmm?….

proud siya sayo, kahit kasama nya tropa nya “baby, honey etc.” pa rin ang tawag nya sa iyo
gusto mong subukan? halimbawa: may lakad sila ng barkada nya, magyaya ka ng date.. kung ikaw ang pinili nya, YEHEY! love ka nun
kahit sang lupalop siya ng mundo NEVER nyang iooff ang cellphone nya kase baka tumawag ka at mag alala.. BONUS: mag iiloveu sya kahit may makarinig pang ibang tao.
kahit walang gift, alam nyang anniversary nyo
sa sobrang pag seselos nya, binabasa nya ang mga text msgs mo.. mas matanong mas makulit. mas mahal ka nun!
imbis na proud sya kasi maganda ka, gusto ka pa niyang pumanget to the point na sya na lang ang titingin sayo!
ikaw lang ang may karapatang pumuyat sa kanya
wag mu lang shang pansinin ng konte, nag dududa na, “MAY PROBLEMA BA?” tampo.. tampo..
punta sya sa bahay mo kahit alam mong nahihiya sya sa parents mo..
kasama mu siyang magshopping ng damit, basta pili mo.. un ang isusuot nya kasi maganda sa paningin mo..
kahit yosi boy sya, never shang papahuli kasi ayaw mo ng smoker.
mumurahin nya sa msg/text kung sino man ung “secret admirer” mo .. kapag di pa sha kuntento mag papakilala pa shang “SIYA” ang bf mo..
AWAY NA NAMAN???! kung gusto mong matapos.. umiyak ka lang at sha na ung mag “so SORRY”
lahat ng lutuin mo kahit alam mong palpak VERY GOOD para sknya.. hehe
nagtatanong sya tungkol sa future plans “mo” inaalam nya kung kasama “siya” dun
lahat ng ikwento mo sa kanya kahit hindi sya interesado.. natatandaan nya
palagi nyang sinisinghot ung buhok mo. guys.. BAT NGA BA??!
he kisses with eyes shut..pero minsan sinisilip nya ng palihim ung itsura mo
bagsakan mo ng phone. tatawag uli yun!
picture mo LANG ang nsa wallet nya
hindi siya mahihiyang umiyak para saiyo….
After reading this, natawa ako ng sobra. Halatang-halata na sa teen-ager galing ang post na ito. This is not love, my dear. This is infatuation. Naka ilang post na rin ako about sa difference between love and infatuation. Tinatamad lang ako hanapin yung link para i-direct dito but try viewing my archives and look for it. Aking susuriin ang post na nakuha ko sa facebook. Ano to, Dra. Love activated? Hahaha! Ay mali, nurse lang pala. Anyway, sisimulan ko na at may lakad pa ko. Hindi ko na siguro iisa-isahin ang bente-unong dahilan na yan. Magcocomment lang ako pag medyo sa palagay ko ay hindi tama.

Proud siya sayo, kahit kasama nya tropa nya “baby, honey etc.” pa rin ang tawag nya sa iyo. Diyan ba masusukat ang love? Hindi naman diba? Masama na ba ngayon na tawagin ka sa pangalan mo? It’s just a flattering feeling when your boyfriend calls you differently especially when you’re out with his friends. Pero hindi yan ang batayan kung mahal ka ba niya talaga.

May lakad sila ng barkada nya, magyaya ka ng date.. kung ikaw ang pinili nya, YEHEY! love ka nun. Girl, wag bastusan. Hindi sa iyo umiikot ang mundo ng boyfriend mo. Magyaya ka kung wala siyang previous appointments. Wag masyadong demanding. Kung dahil diyan mapapatunayan mong mahal ka niya, pwes, nakakasira ka ng pagkakaibigan nila ng barkada niya. Mas masarap yung pag nagyaya ka ng date kasabay ng lakad nila ng barkada niya, isasama ka niya para kilalanin mo rin ang barkada niya at makilala ka. Wag possessive, nakakamatay yan.

Kahit sang lupalop siya ng mundo NEVER nyang iooff ang cellphone nya kase baka tumawag ka at mag alala.. This made me laugh. Seriously! Never papatayin ang telepono kasi baka tumawag ka? This is so insane! Pano pag nagpapagasolina? Di pa rin pwede i-off? Kung nasa eroplano, di pa rin pwede? This is silly. Really! Nakakatawa. You need a little of understanding, young lady. Girlfriend ka lang, hindi ka magulang. And kung matino ang boyfriend mo at alam niya ang obligasyon niya, hindi siya gagawa ng kung ano man para mag-alala ka.

Ikaw lang ang may karapatang pumuyat sa kanya. Sino may sabi? Pano na ang pag-aaral, trabaho at kung ano pang pinagkaka-abalahan ng boyfriend mo kung ikaw lang ang may karapatang pumuyat sa kaniya? As what I’ve said, may sariling buhay yan. If you want to be superior, hindi boyfriend ang kailangan mo – PET.

Mumurahin nya sa msg/text kung sino man ung “secret admirer” mo. Hindi gagawin yan ng matinong boyfriend kung alam niyang wala naman kayo pareho ginagawang mali ng secret admirer mo. Ganda mo eh! Pinipilahan ka, natural yun. Nasa tiwala na lang yan. Siguro pag ginagago ka nung secret admirer mo, reasonable ang pagmumura ng boyfriend mo.

Umiyak ka lang at sha na ung mag “so SORRY”. Hindi laging si boyfriend ang may kasalanan pag may problema kayo. Kahit daanin mo sa ilang litrong luha yan, kung ikaw ang may kasalanan, wag kang maghintay ng sorry mula sa kaniya. Wag kang ma-pride! (pinaiinit mo ulo ko) LOLjk. HAHAHAHA! Kung sino mang boyfriend ang gumagawa nito, hindi pagmamahal yun, katangahan yun. Wag masyado maging sunod-sunuran sa girlfriend. Konting level ng pide, okay na.

Picture mo LANG ang nsa wallet nya. Di pwedeng maglagay ng picture with friends close to him? Lupit mo namang girlfriend. Kawawa ang lalaki sayo, friend! Wag kang selosa masyado. Magtiwala ka. Hindi porket may ibang kasama ang litrato mo sa wallet niya, hindi ka na niya mahal. Hindi nasusukat yun dun.

Yan yung mga bagay na pinatawa ako ng sobra. I hope this post is helpful. Nakita ko lang yan sa archives ko. But kung tinatamad kayong basahin yan, mag e-effort ako ng konti para naman sa post na ito.

Hindi mo kailangan sukatin ang pagmamahal ng isang tao sa iyo. Love is not measurable. Iba-iba ang tao at iba-iba rin ang paraan nila para patunayan sa’yo kung gaano ka niya kamahal. Kung palagi kang nagdududa sa mga kilos ng boyfriend mo, sana hindi mo na lang sinagot. Kasi bago mo sagutin, alam mo na dapat kung anong pinasok mo. Hindi yung kung kelan mo sinagot, saka ka mangangapa. Well siguro sa umpisa magkakapaan pa kayo kung pano niyo patatakbuhin ang relasyon niyo pero not to the extent na nagsusukatan na kayo ng pagmamahal. (Terminologies: kapa + sukat. ANO BA YAN!) Hahahaha!

Silly me! Enough of that. Basta ito lang. Paulit-ulit kong sinasabi. Ilang beses ko ba dapat sabihin na ang tunay na pagmamahalan, hindi na kasama ang bilang. Gets? Disregard the distance, age, height, weight and what-so-ever, kung mahal niyo ang isa’t isa, pareho kayo gagawa ng paraan para patagalin ang relasyon niyo. Normal ang mga away-bati moments. Nakakatulong yan para patatagin ang pagsasama niyo.

Paano mo malalamang mahal ka talaga ng boyfriend mo? Simple lang. Tanggap niya kung sino ka, kung anong meron ka, at kung anong buhay meron ka. Yun lang, sigurado ka na. Pag iniwan ka dahil sa mga kamalian mo, hindi ka mahal nun. Kasi kung mahal ka niya, tatanggapin niya ang lahat ng tungkol sa’yo. Tutulungan ka niyang i-tama ang mga mali mo.

Humahaba na naman ang post ko, may lakad pa ko. I hope may sense ang mga pinagsasasabi ko. All from me. Kung di ka satisfied o hindi ka agree, salamat dahil binasa mo pa rin.?

Credits: Nikki Reyes

Please follow and like us:
RSS
Follow by Email
Facebook
Facebook
Google+
http://buhaymanila.com/paano-malalaman-kung-seryoso-ang-boyfriend-mo-sayo/
Twitter
SHARE
YOUTUBE
PINTEREST
LINKEDIN
INSTAGRAM

Leave a Reply