Paano Manligaw ng Babae Tip #01

Paano ba manligaw sa BABAE.?PAANO BA ANG MANLIGAW?

Napakaraming katanungan ang aking natatanggap tungkol sa panliligaw.
(ei ako nga hindi marunong manligaw, pero na EXPERIENCE ko na :p )

Madalas ay naririnig lamang natin ang panig ng mga kababaihan tungkol sa usaping ito. Madalas kasi ay pagkatapos manligaw ng isang lalaki, ay ayaw na ng isang lalaki na mapagusapan pa kung paano sila nanligaw sa kanilang mga GFs o Asawa.

Sa part na to, Mga experience naman ng mga lalaki ang ating aalamin. PAANO NGA BA MANLIGAW ANG ISANG TUNAY NA LALAKI? Yung tipong May flowers and roses ba? palagig UNLI CALL and TEXT at sinasabihan ng mga KA CORNY CORNING PICK-up lines (pero take note.. when it comes to LOVE, hindi na natin naiisip na nagiging CORNY na pala TAYO… or yung simpleng panliligaw lang ang effective sa mga babae.

Madalas kasi naa-under estimate ang mga boys. Madalas sinasabi ng iba na, “Naku, binigyan ka ng roses?? I’m sure sa umpisa lang yan ganyan.” O kaya minsan naman “Naku, Wala manlang mairegalo sayo yang nanliligaw sayo? Wala yatang pera yan e. Mapapakain ka ba nyan??”

ANG HARD NILA DIBA GUYS!?
pero PUSH natin to…

Minsan talaga may mang taong masasama ang ugali, minsan may mga taong nagpapaasa lang, at yung iba naman, pine-perahan lang tayo. (well, nasabi ko yun kasi na-BU-DOL ako ni GF :3 )
Hindi naman natin pinilit na mahalin sila diba? pero bakit ganoon? kahit anong gawin natin, parang olats parin tayo.

kaya this is it na mga Bro.! , bibigyan ko kayo ng ilang TIPS kung paano mapasagot ang babaeng mahal mo.
Picture
1. bigyan ng ROSES…

ang bulaklak ay sumisimbolo sa magandang hangarin mo sa babae…
Tama! Bilan mo sya ng roses. Karamihan ng mga babae ang gusto ay binibilan sila ng roses.
Yung isang dosena! Pero minsan pwede ding kahit isa lang.
Basta ang tatandaan mo lang dapat yung rose na ibibigay mo, maganda, presentable at mabango 🙂 wag mo kakalimutan ang ISKRIP mo… naalala ko dati may pinagbigyan ako…. sa sobrang ganda ng bulaklak, nakalimutan ko ung SKRIP ko… 🙂

Picture
2. mag pa impress…

”hindi naman yung over na masyado, baka sagutin ka lang nya dahil sa binibigay mong materyal na bagay…. ” what i mean, haranahin mo sya 🙂
Walang tatalo sa Old fashioned pero sweet na pang haharana, iwasan kumanta ng nakaka EMO, at KOREAN song, wag ka ding PIPIYOK. 🙂 . Oh diba..? hindi ganun kagastos at kung habulin ka man ng aso, GUD LUCK sa No. 3 TIPS ko para sayo .. 🙂
Picture
3. Gumawa ka ng GIMIK..
Kung sa tingin mo ay kulang ang pagbili ng roses at paghaharana, Puwes, Gumawa ka ng gimik. Oo tama! GIMIK!
hindi kailangan mahal o sobrang ganda ng gimik mo, basta yung tipong mapapa-impress mo lang yung mahal mo, gaya ng pag gamit mo sa mga kaibigan mo bilang mga tagahawak ng tarpaulin, tagahawak ng roses o baloons o simpleng kasama lang sila sa panghaharana o umisip ka ng kahit anong gimik, surprise na matutuwa siya 🙂
Tandaan mo lang na kung gagawa ka rin lang ng gimik, Gawin mo ito sa maraming tao, yung tipong maraming makakakita. Sayang naman effort ng mga barkada mo kung hindi makikita ng buong madlang people na SOBRANG MAHAL MO yung mahal mo.
Picture

4. kelangan may DA-ting..

Gaano ka-importante ang pakikipag Date sa nililigawan mo? Eto lang naman ang nag i-establish ng pagiging malapit nyo sa isa’t-isa.
Dito mo rin makikita yung ibang tunay na ugali ng mahal mo.
Sa mga ganitong klaseng date mo mahahanap kung saan ang kiliti nya sa isang relasyon.
Ang tatandaan mo lang sa pakikipag date, OK lang ang holding hands. Wag mo lang siya hahalikan sa una ninyong date. Pwede yun maging SCORE DOWN o MAJOR TURNOFF sayo. Kaya easy lang 🙂 di ka naman siguro EXCITED.??? haha!

Picture
5. the LAST – WAN

BE YOUR SELF and be Gentleman

MAging totoo ka lang sa sarili mo, WAG mong likohin ang mahal mo, Maging seryoso ka, Maging maunawain at higit sa lahat maging Gentleman sa lahat ng aspeto.
PLUS POINTS yun sa isang babae pag gentleman ka.!

Teyk-Nowt :

– pero kung nabasted ka na nya, wag ka nang magtangkang ipagpilitan ang sarili mo sa kanya. ang una at pangalawang beses ay pwede pa, pero ang madaming beses ay PAGKAKATANGA na yun..

PA-NOWT (Paalala)

ang Panliligaw ay kung papaano mo mapapasagot ang isang tao sa simpleng paraan lamang, may mga babaeng EASY TO GET lalo na kung MUTUAL ung FEELING nyong dalawa, pero may HARD TO GET din naman. yun yung mga klaseng tao na kailangan mo pang ma meet si BASTED at si THRILL.. pero kung desidido ka at deserving ka… magagawa mo ang lahat para makuha ang matamis nyang..

”Oo… sinasagot na kita… ”

-sana nakatulong ako kahit konti at nabigyan ko kayo ng kaunting IDEYA..

by Mark Joseph Mendoza

Please follow and like us:
RSS
Follow by Email
Facebook
Facebook
Google+
http://buhaymanila.com/paano-manligaw-ng-babae-tip-01/
Twitter
SHARE
YOUTUBE
PINTEREST
LINKEDIN
INSTAGRAM

Leave a Reply