Paano Manligaw ng Babae Tip #02

PAANO BA ANG MANLIGAW?

Napakaraming katanungan ang aking natatanggap tungkol sa panliligaw. Maraming nang mga usapin, kwentuhan at Inuman na ang nasayang dahil sa usaping ito.

Madalas ay naririnig lamang natin ang panig ng mga kababaihan tungkol sa usaping ito. Madalas kasi ay pagkatapos manligaw ng isang lalaki, ay ayaw na ng isang lalaki na mapagusapan pa kung paano sila nanligaw sa kanilang mga GFs o Asawa.

Sa part na to, Mga experience naman ng mga lalaki ang ating aalamin. PAANO NGA BA MANLIGAW ANG ISANG TUNAY NA LALAKI? Yung tipong May flowers and roses ba? O yung simpleng panliligaw lang ang effective sa mga babae.

Madalas kasi naa-under estimate ang mga boys. Madalas sinasabi ng iba na, “Naku, binigyan ka ng roses?? I’m sure sa umpisa lang yan ganyan.” O kaya minsan naman “Naku, Wala manlang mairegalo sayo yang nanliligaw sayo? Wala yatang pera yan e. Mapapakain ka ba nyan??”

ANG HARSH NILA DIBA GUYS!?

Minsan talaga may manga taong masasama ang ugali, minsan may mga taong nagpapaasa lang, at yung iba naman, pine-perahan lang tayo.
Hindi naman natin pinilit na mahalin sila diba? pero bakit ganoon? kahit anong gawin natin, parang olats parin tayo.

Kaya heto, bibigyan ko kayo ng ilang tips kung paano mapasagot ang babaeng mahal mo.

Buy Roses

Tama! Bilan mo sya ng roses. Karamihan ng mga babae ang gusto ay binibilan sila ng roses.
Yung isang dosena! Pero minsan pwede ding kahit isa lang.
Basta ang tatandaan mo lang dapat yung rose na ibibigay mo, maganda, presentable at mabango 🙂

Magpa-Impress

Yan! Tulad ng panghaharana!
Walang tatalo sa Old fashioned pero sweet na pang haharana. Una sa lahat, hindi ganun kagastos at kung habulin ka man ng aso, magpapasalamat ka na hindi ka nagiisa.
Ang tatandaan mo lang, Dapat ang kakantahin mo ay Love song. WAG emo, WAG japanese jejemon song at WAG na WAG kang pipiyok.
Practice ang kailanagan 🙂

Gumawa ng Gimik

Kung sa tingin mo ay kulang ang pagbili ng roses at paghaharana, Puwes, Gumawa ka ng gimik. Oo tama! GIMIK!
hindi kailangan mahal o sobrang ganda ng gimik mo, basta yung tipong mapapa-impress mo lang yung mahal mo, gaya ng pag gamit mo sa mga kaibigan mo bilang mga tagahawak ng tarpaulin, tagahawak ng roses o baloons o simpleng kasama lang sila sa panghaharana.
Tandaan mo lang na kung gagawa ka rin lang ng gimik, Gawin mo ito sa maraming tao, yung tipong maraming makakakita. Sayang naman effort ng mga barkada mo kung hindi makikita ng buong madlang people na SOBRANG MAHAL MO yung mahal mo.

Dating

Gaano ka-importante ang pakikipag Date sa nililigawan mo? Eto lang naman ang nag i-establish ng pagiging malapit nyo sa isa’t-isa.
Dito mo rin makikita yung ibang tunay na ugali ng mahal mo.
Sa mga ganitong klaseng date mo mahahanap kung saan ang kiliti nya sa isang relasyon.
Ang tatandaan mo lang sa pakikipag date, OK lang ang holding hands. Wag mo lang siya hahalikan sa una ninyong date. Pwede yun maging SCORE DOWN o MAJOR TURNOFF sayo. Kaya easy lang 🙂

BE YOUR SELF and be Gentleman

MAging totoo ka lang sa sarili mo, WAG mong likohin ang mahal mo, Maging seryoso ka, Maging maunawain at higit sa lahat maging Gentleman sa lahat ng aspeto.
PLUS POINTS yun sa isang babae pag gentleman ka.

Sana’y nakatulong ako sa mga lalaking manliligaw at nagbabalak manligaw diyan! at kung may mga tanong pa kayo about sa love, WAG kayong mahiyang lumapit sa akin. 🙂

Credits by: jofercreams

Please follow and like us:
RSS
Follow by Email
Facebook
Facebook
Google+
http://buhaymanila.com/paano-manligaw-ng-babae-tip-02/
Twitter
SHARE
YOUTUBE
PINTEREST
LINKEDIN
INSTAGRAM

Leave a Reply